Ako si Angela Xena A. Baylon, ngunit
minsan tinatawag din akong Angelo dahil sa maikli at bahagyang mukhang panlalaki
kong buhok dati. Labing walong taong gulang na ako at dating nakikipag patayan sa kursong Medisinang pang Hayop sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los
Baños, pero wala akong balak tapusin ito. At ngayon ay isa na kong studyante na may kursong Communication Arts. Ang aking mga magulang ay sina
Roselito S. Baylon, isang gwapong beterinaryo at Agnes Teodora A. Baylon, isang
anghel..na beterinaryo rin, pero wala
akong balak sumunod sa mga yapak nila. Meron akong dalawang kapatid. Sila ay
sina Ara Jenika A. Baylon na nag tapos ng kursong Statistika sa Unibersidad ng
Pilipinas sa Los Baños at si Roi Carlo A. Baylon na nagtapos ng Entrepreneurial Management sa De La Salle University sa Dasmariñas
Cavite. Pinanganak ako sa Makati Medical Center pero ako ay kasalukuyang
naninirahan sa lungsod ng Dasmariñas, Cavite kasama ang aking mga magulang at
dalawang kapatid.
Edukasyon
at ang himala saUPCAT
Ako ay nag-aral ng elementary at
hayskul sa Philippine Christian
University, Palagi rin akong nasa unang sampung pinaka “magagaling” sa
klase (base sa grado) hanggang sa nawasak ang lahat noong ako’y umapak na sa
pangatlong baytang ng aking pagiging hayskul. Mayroon kasing ceiling grade na halimbawa, kahit na mas
mataas ang average ko kaysa iba,
kapag meron akong isang subjectna
bumaba sa 85 ang grado, otomatikong hindi na akong makakasali sa sampung pinaka
“magagaling” sa klase, at hindi na ako makakabalik dito. Iyon paman din ang pamantayan
ng aking mga magulang sa galing. At ito ay masakit. Pero mas guminhawa ang
buhay ko noong ako ay natanggal sa pila na may titulong iyon. Dahil ang grado
para sakin ay hindi nakakasukat ng talino at galling ng isang tao. Iba ang
sinusukat nya.Siguro tangkad, pero biro lamang iyon. Sa pag tatapos ko sa
hayskul ay kahit wala naman ako sa sampung pinaka “magagaling” sa klase ay
nakapasa parin ako sa UPCAT. Patunay lamang kung gano ako kamahal ng Panginoon.
Isa itong himala sapagkat hindi ako nag-aral dahil mayabang kong iniisip na
kahit hindi ako pumasa sa pagsusulit na ‘yon ay maaari ko paring makuha ang
kursong gusto ko, ang Fine Arts. At
sinagutan ko rin lahat ng mga tanong, kahit na alam kong right minus ¼ wrong ang UPCAT. Aminado akong napaka walang kwenta
rin ng aking dahilan kung bakit ko nilagay ang kursong Medisinang pang Hayop sa
mga papeles na sasagutan para sa pagiging kolehiyo. Hindi ko alam kung anong
kalokohan ang nangyari pero dahil nandito na ako sa Unibersidad ng Pilipinas,
wala na tayong magagawa. Buti na lamang. Pinapangarap ko paring makalipat ng
kursong Fine Arts kahit na langit na
ang Los Baños para saakin. Hindi ko kayang mabuhay kasama ang kursong hindi ko
mahal.
Masaklap
na Nakaraan at Usapang Ngipin
Ang pangyayaring ito ang isa sa
laging kinukwento saakin ng aking mga kapatid at magulang. Buti na lamang at
hindi ko ito natatandaan sapagkat masyado pakong bata noong mga panahong iyon.
Ang kwento nila ay ganito… Naka sakay daw ang aking ate sa swing at kuya ko
naman ang tumutulak dito, pinahawak nila ako sa isang nilang kaibigang
nagngangalang Danica. Habang masayang tinutulak ng kuya ko ang swing kung saan
nakaupo si ate ay nabitawan ako ng kaibigan nilang si Danica at lumakad sa
direksyon na maaaring tamaan ng swing. At sa kasamaang palad, natamaan nga ako.
Tumama ang bakal na upuan sa aking bibig. At duguan- literal na duguan-na umuwi
ako, takip ng kamay ng aking ate ang bibig ko. At oo, nabungi ako noon.Naputol
at naging sungki ang aking ngipin.Ang sakit. Hindi lang yon ang karanasan ng
ngipin ko, noong ako ay nasa ikalawang baiting na sa elementary ay nadisgrasya
nanaman ang ngipin ko. Tumatakbo ako at noong ako ay paliko na ay may nabunggo
akong isa pang bata. Tumama ang bibig ko sa ulo nya at pag harap ko sa salamin
sa silid palikuran ay may nakita akong nangingilid na dugo sa ngipin ko. At
syempre nataranta at natakot ako. Anong iisipin ng isang bata na nakakita ng
dugo sa bibig nya? Ang sagot? Mamamatay na ata ‘ko. Nagkaroon ako ng biglaang
pantulak ng ngipin (braces) dahil sa
pagkabunggo ng ulo ng batang iyon sa aking ngipin. Nakamura ang aking mga
magulang. Ang galing..at ang sakit. Dahil sa pangyayaring iyon nangongo ako ng
ilang lingo. Hindi ako makanguya ng matitigas na pagkain kaya lahat ng aking
kakainin ay dinidikdik, pinupulbos o hinahalo sa tubig. Yan ang pinagmulan ng
aking matamis ng ngiti, na binubuo ng aking labi at subok na matatapang na
ngipin.
Kaanyuan
at Pag-iisip
Meron
akong maikling buhok gaya nang sinabi ko sa unang talata kaya minsan ay
kinukutya ako ng mga kaibigan ko na “tibo” o “tomboy” o kaya naman ay
kinakantahan ako ng “bom-ti-bom la la la la la la la” pero lilinawin ko lamang,
babae ako. Mula ulo hanggang kuko sa talampakan. Katamtaman lang din ang aking
tangkad at bigat. Oo, gusto kong maniwalang katamtaman lang naman talaga dahil
hindi ako mapayat, pero hindi rin ako mataba. Maganda ako at mahalaga dahil
namatay ang Hari ng mga hari at Diyos ng mga diyos para saakin. Isa akong
Kristyano at hindi ko kailangan ng lalaki para magsabing mahalaga ako. Dahil
Mahalaga na talaga ako simula palamang. Mahilig akong kumanta, nakasama ako sa
nangungunang labing tatlong kalahok sa Freshman
Idol 2013. Isa rin akong suwail nascholar
ng Wyre Undergound. Hindi rin ako mabilis mapagod pagdating sa pisikal na mga
aktibidad kagaya ng pag takbo, pag lalaro at kung anu-ano pa. Meron akong
masayang pag tingin sa buhay at naniniwala akong ang pinaka magandang gawin pag
nasasaktan o nalulungkot ka ay magpasaya ka ng iba. At maging mabait ka sa
lahat ng tao dahil hindi mo alam kung anong pinag dadaanan nila. Malay mo isang
ngiti lang pala ang kailangan nila para huwag magpakamatay at nabigay mo yon
sakanila- kahit hindi mo sila kakilala- hindi mo alam nakapag ligtas ka na pala
ng buhay. Sinusuka ko din ang matematika at minamahal ang pag pipinta.
Paniniwala,
Misyon at Pangarap
Pangarap kong maging masaya. At
sinisimulan ko yon sa bawat pag gising ko sa umaga at sa pag pasa ng pag-ibig
sa mga tao kahit hindi ko kakilala. Gusto kongmabuhay sa mundong hindi
mapanghusga, malaya at alam ang ibig sabihin ng salitang pag-ibig na hindi
makasarili. Pero mahirap ata iyon. Hindi ko kayang baguhin ang buong mundo kaya
sisimulan ko sa mga maliliit kong mundo. At dahil hindi ko rin kayang pilitin
ang ibang taong pairalin ang pagmamahal at hindi ang sariling kagustuhan,
sinisimulan ko ito sa sarili ko. At gusto kong maging buhay na patunay na may
mga tao pang natitira sa mundo na hindi sakim ang pag iisip, tapat, malaya at
marunong magpatawad. Kahit gaano ka hirap o imposible. Dahil naniniwala akong
walang imposible sa taong naniniwalang wala nga talagang imposible at may
tiwala sa Panginoon. Wala rin akong nobyo noon, ngayon, pero hindi
magpakailanman. Hindi man ganoon kaganda ang aking karanasan sa pag-ibig,
patuloy akong mag titiwala na hindi lahat ng lalaki ay pare-pareho. At patuloy
rin akong mag papatawad kahit na masasabi kong nasa akin na lahat ng rason
upang magalit at mamuhi. Dahil na una na kong pinatawad ng Panginoon at mero
Syang inihanda para saakin na iingatan ako at mamahalin ako sa paraang
malulugod naming Sya pareho.
No comments:
Post a Comment